Ang seatbelt pag sinuot mo hindi naman ibig sabihin hindi ka na maaaksidente ever.
'Yan ang False sense of Security.
Akala mo safe ka.
Akala mo lang yun.
Ganyan din sa aking neighborhood. Akala ko porke nasa malapit lang ako sa aming bahay eh wala ng mangyayare saken na masama.
Akala ko lang yun.
Nai-snats lang naman ang aking selepono. Haayy.
Nakakagulat. Nakakawindang. Nakaka-shock.
Ang bilis ng mga pangyayare. One second nag-uusap lang kame ng isa sa malalapit kong kaibigan, then the next thing i knew, wala na ang aking minamahal na 3230.
Ang bilis talaga ng mga kamay ng mga snatchers. Bihasang bihasa na talaga. Ni hindi man lang nasira yung lanyard ko sa paghatak nya sa aking cellphone. Tapos ang bilis din nila magsi-takbo. Pwedeng pwede nga silang sumali sa mga track and field events. Naku, i'm sure malaki ang laban nila pag nagkataon.
Poverty related crime ang pagnanakaw at pagii-snatch. Nang dahil sa kahirapan nagreresulta nalang sila sa pagnanakaw sa ibang tao.
Pero hindi padin ito enough justification para manguha sila ng gamit ng iba. Pinaghihirapan ng mga tao iyon tapos kukunin nalang nila ng ganun-ganun na lang. Magtrabaho kaya sila ng marangal.
Ang bitter ko noh?! Haha.
Haayy.
Strike anywhere talaga ang mga masasamang-loob.
Kaya mga kapatid,
MAG-INGAT!
Thursday, September 11, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)