Tuesday, June 24, 2008

Pagkakaisa

Iba-iba ang tao.
Lahat tayo unique.
Meron tayong kanya-kanyang pag-uugali at personalidad.

May outgoing, mayroong mahiyain.
Maingay at tahimik.
Malakas, mahina.
Nariyan yung mga mejo malakas ang dating at ang mga humble.
May makulit, may seryoso.

Kahit ganito man, hindi ito dapat maging dahilan ng di-pagkakaunawaan.

Basta't ang bawat isa'y may pakikisama, posible ang PAGKAKAISA. :)

Skin Tone

Ang weird ng tao.

Yung mga maiitim/kayumanggi halos gawin lahat ng pagkuskos at pagpapaya pumuti lang.
Yung mga mapuputi naman halos magka-skin cancer na kaka sunbathing para kahit papano ay umitim naman o maging tan.

Diba, weird. haha.

O sadyang hindi lang talaga tayo makuntento sa kung anung meron tayo?

A sad realization, but true.
Aminin man natin ito o hindi.

Init ng ulo

Kilala ang mga Pilipino na mga masisiyahing nilalang.

Pero minsan syempre hindi maiiwasan ang init ng ulo.

Pagod, init, stress at maging ang mabagal na daloy ng trapiko ay ilan sa mga rason dito.
Ngunit wala namang mareresolba kung paiiralin lang naten ang init ng ulo. Mas hihirap at bibigat lang ang ating pakiramdam.

Sa diskusyon sa pagitan ng dalawang tao na mainit ang ulo, tiyak na gulo/away lang ang kahihinatnan.
Kung magpapadala tayo parati sa mga ganitong sitwasyon wala tayong mararating. Wala namang masama kung paminsan ay hahabaan natin ang ating mga pisi.
Matuto tayong magpasensya at intindihin ang isa't isa. Marahil, bababa ang "crime rate" dito kung ganito ang gagawin ng bawat Pilipino.
Imbes na sumimangot at magalit, bakit hindi natin subukang ngumiti.

Tandaan, nakakapangit ang nakabusangot na mukha. Nakakastress yan sa ating mga face muscles.
Kaya panatilihing nakangiti.

Ang saya sa feeling diba?
SMILE!! :D

Burrdei

Sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking nagdaang kaarawan,

MARAMING SALAMAT!

pinasaya nyo ang aking araw.
:)

Wednesday, June 18, 2008

Pagsisisi

nasa huli ang pagsisisi.
malamang naman diba?? pwede bang pagsisihan ang hindi pa nangyayare?? hahaha.

ang nakaraang oras ay hindi na maaari pang ibalik. ika nga "past is past".
hindi na pwedeng ulitin pa ang mga pangyayareng naganap na.
wala tayong dapat gawin kundi tanggapin ito at matuto sa kung anu mang aral ang maaaring makuha sa pangyayareng iyon.
wala namang saysay kung manghihinayang na lamang tayo. mas maganda kung gagamitin naten ito upang sa hinaharap ay hindi na ito muling maulit.

makatutulong saten kung pag-iisipan muna natin ang bawat kilos upang sa gayon maiwasan ang mga pagkakamali at pagsisisi.
wag tayong magpa dalos-dalos.
hindi naman masama kung mag-iingat tayo sa ating mga ikikilos.
maging rasyonal tayo.

pero syempre may mga hindi inaasahang mga pangyayare ang minsa'y bumubulaga sa atin.
basta't lagi lang tandaan, ang lahat ng nangyayare ay may rason. hindi man natin ito kagad maintindihan, pero balang araw malalaman din natin ang kahalagahan nito.
sabi nga ni big brother: sa takdang panahon.
:D

Tuesday, June 17, 2008

Kowt

"Madaling magpanggap na mahal mo ang isang tao. Ang pinakamahirap ay magpanggap na hindi mo mahal ang taong mahal mo."

- Enchong Dee
My Girl

Dagdag Kaalaman

bentahe = advantage
repaso = review
perestroika = economic restructuring

---
DS111
DS127

Dignity

"mahirap nga kami pero may dignidad"

- a DS professor

Tuso

Maraming tusong mga tao ang nagkalat ngayon sa ating lipunan. Mahalagang hindi tayo magpauto sa kanila.
Magmasid.
Maging alerto.
Maging masuri.
Alamin ang katotohanan.
Maaaring sa unang sulyap maganda at kaaya-aya ito ngunit mapanlinlang ang mundo. Kung hindi tayo mag-iingat, sa huli tayo ang talo.

Buksan natin ang ating mga isipan.
Juan Dela Cruz, ika'y mangilatis,
dahil kung hindi kawawa ka.

Sunday, June 15, 2008

Negosasyon

patuloy pa din ang negosasyon para sa pagpapalaya sa dinakip na mamamahayag na si ces drilon at sa kasama nito na si encarnacion.
nanawagan na ang anak ni encarnacion na sana ay palayain na ang kanyang ama at si ces.
sabi nya: "kailangan ko sya, kailangan namin sya"
sana nga mapalaya na sila.
hangad lang naman nila ang maihatid sa tao ang katotohanan.

Magulang

sabi nila walang magulang ang nakakatiis sa anak.
kahit gano pa kalaki ang naging kasalanan nito ay tatanggapin padin nila ito.

totoo kaya ito sa lahat ng sitwasyon?
tunay nga kayang mas matimbang ang pagmamahal ng magulang sa kahit ano pa man?

don't get me wrong, hindi ako nagdududa.

di bale, sa mga susunod na araw ay malalaman ko din ang sagot sa aking mga katanungan.
sana lang hindi ako ma-disappoint.

Daddy's Day

daddy
itay
papa
father dear
'tay
ama
dada
tatay

para sa lahat ng mga tatay:

HAPPY FATHER'S DAY

mahal namin kayo! :D

Thursday, June 12, 2008

Finally

sa wakas, natapos nadin ang aking kalbaryo.
makakapag-enroll nako.

sa lahat ng tumulong, nagbigay suporta at encouragement,
maraming maraming salamat sa inyo. (alam nyo kung sino kayo) :D
hindi ko marahil ito kinaya kung wala kayo.

ayaw ko nang umulit. i've learned my lesson well.
:D

Time

Balik na nga ba sa dati ang lahat?

Matapos ang lahat ng nangyare, ganun nalang ba iyon kadali?

siguro nga.

Maybe time is a natural healer after all.

o baka tanga nako ngayon.

Thursday, June 5, 2008

Reunion

SVS Batch '06
FAITH
HOPE
LOVE

ang pinaka malupet na batch ng vincent! (syempre bias ako) hahaha.

we had a reunion last June 4, 2008 held at Sencillo, Esquinita.
isang gabing puno ng tawanan. kwentuhan. chikahan. picturan. inuman. lokohan at kasiyahan.
masayang makita muli ang mga kaklaseng nakasama ko noon sa paaralan.

nakakatuwang makita ang mga pagbabago sa kanila.
may lumaki ang katawan at nagka-muscle.
meron namang dati'y tahimik eh ngayon dinadaig na ang mala-megaphone kong boses. haha.
meron ding mga nag-mature hindi lamang sa panlabas na kaanyuan ngunit kundi sa kanilang pag-uugali.
nanjan ang mga naggagandahang kababaihan at naggagwapuhang mga kalalakihan.
mga dating good boy/girl na ngayo'y natuto na ng iba't ibang bisyo sa mundo.
ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito ay hindi padin nawawala ang magandang samahan na nabuo namen noong nasa highschool palang kame.

masayang magbalik tanaw sa mga pangyayare sa buhay namen.
binalikan ang mga kalokohan. ang mga happenings. at maging ang mga "issue" noon. hahaha.

parang kahapon lang ay kinakanta namen ang St. Vincent Hymn.
kay bilis talaga ng panahon.
ngayo'y mga dalaga't binata na kame. haha.

mag kanya kanya man kame ng landas, isa lang ang natitiyak ko: habambuhay naming dala-dala ang mga alaalang nabuo sa isang paraalan sa West Avenue.

maraming salamat sa lahat ng nagpunta.
at syempre maraming maraming salamat sa mga taong nag-organisa ng reunion na ito. kundi dahil sa inyo hindi ito posible.

esquinita, sgt.esguerra, quezon city.

sencillo bar. owned by ms. bambi fuentes

cheers to our friendship!!

HOTTEST PRESIDENTS: Hope, Love and Faith

Hottest Girl and Hottest Guy of the Night

Hottiks. we missed joella.

on time sila. as usual ako hindi. wahaha.

fairest of them all. :D
the girls are all a lady. :)

vincentian girls. :D

hotness. :D

inuman sessions. just like old days. hehe.

embassy shot kuno. haha.

issue?? wahaha. past is past. :D

mga punong abala. haha.

love it. :D

money matters. :D

grade 6 buddies. haha.

mmmm. mamam! hahaha. yum yum. :D

:D

lalabs and I. :D

vincentian hotties. XD

BATCH 2006!! sa uulitin!! :D
MAHAL KO KAYO. :D

Sunday, June 1, 2008

Realizations

i realized that...

if it's not meant for us, it's not. so stop pushing.
enough is enough.
you can't please everyone.
time is a natural healer.
words hurt more than sticks and stones.
open rebuke is better than silence.
some things are beyond repair.

"take time to realize"
:)

Fare Hikes

According to the news, transport groups are asking for an additional P1 fare hike. iba pa to sa hinihingi nilang P1.50. so that's a total of P2.50 na dagdag pasahe. their goal is to make the basic fare from P7.50 to P10. parehas na nila ang mga fx pag nagkataon. They said that because of the consecutive oil price hikes they have no choice but to ask for an increase in jeepney fares.

ang ganda ng timing, pasukan na ulet. panibagong pasanin nanaman ito ni Juan pag nagkataon.
may mga discount naman for students and senior citizens eh. sana lang accomodating ang mga jeepney drivers. minsan kase sinisingil padin nila ng regular fare yung mga estudyante.

i understand where they're coming from. kelangan din nila yun para naman kumita pa din sila. as long as reasonable naman ang demands nila, why not diba?

kaya lang i've realized na ang taas na talaga ng mga bilihin. pati mga basic commodities nagtaas na. bigas, ulam, pamasahe, gasul, kuryente, lahat na. haha.

baket kaya ganun noh, lahat pataas. (ang dumb ng question eh noh, wahahaha)
hindi ko kase tinapos econ ko eh, ayan tuloy. wahahaha.

it's about time siguro na mauso ang bisikleta dito sa Pilipinas noh? tipid na, environment-friendly pa. haha. watchathink?? :D

Feeler

magkaiba ang nag-aassume sa nagfi-feeling.

may mga feelingero/feelingera na nakakatuwa. yung tipong nakakaaliw kase alam mo namang walang halong kayabangan yung pagfi-feeling nila. gusto lang nilang magpasaya ng kapwa.

at syempre merong mga taong sadyang ang kapal ng mukha. feel na feel nila ang kanilang sarili. umabot na sa puntong liliparin ka na sa kayabangan nila. itong mga taong ganito ang nakakainis. akala mo kung sino ka kung makaasta ka. hoy, magtigil ka noh. wag kang mayabang lalo na kung wala ka namang maipagmamalaki.

maaaring sabihin na confident ka lang sa iyong sarili. magtigil ka, OVER na eh. lagpas-lagpas na sa langit ang confidence mo. hindi na nakakatuwa. nakakagalit na.

matuto tayong lumugar.

Iskul Bukol

narito na ang buwan ng Hunyo.

pasukan nanaman.

sa mga mag-aaral, panibagong taon nanaman sa paaralan. bagong gamit. bagong mga kaklase.
sa mga magulang, panahon nanaman ng pagbabayad ng tuition, mga libro, allowance ng mga bata at kung anu-ano pang gastos.
sa mga guro, panahon nanaman upang gabayan ang mga mag-aaral sa panibagong chapter sa buhay nila. panahon upang ibahagi sa kanila ang kaalaman.

pasukan nanaman.

makikita na muli ang mga kamag-aral na nalimutan sa kahabaan ng bakasyon. mayroon na muling allowance. makakaharap na muli ang mga upuan at lamesang bagong pintura.

ang sarap mag-aral noh?? excited ka pumasok. umpisa kase ng klase. parang ang daming bago.

ngunit dahil sa hirap ng buhay, hindi lahat ng kabataan ay nakakapag-aral. ang iba ay napipilitang magtrabaho sa murang edad upang makatulong sa kanilang mga magulang. nakakalungkot isipin na sa halip na lapis/ballpen at libro ang hawak ay naroon sila sa kalye at nagtatrabaho.

ang saklap ng buhay.

pero hindi ko sinasabi na ang lahat ng kaso ay ganito. meron din jan na kahit anong gawing pilit ng mga magulang na pag-aralin ay ayaw nila. halos magkanda kuba na mapag-aral lang ang mga anak.

iba-iba ang sitwasyon.

bigla akong may napagtanto.
maswerte ako at napag-aaral kame ng aming mga magulang. may maayos na buhay. binibigay lahat ng pangangailangan namen matapos lang namen ang aming pag-aaral.

ngunit anong ginagawa ko. sa halip na mag-aral ng mabuti ay tinatamad ako. nakakalungkot. baket ako ganito??
tiyak masasaktan sila pag nalaman nila ang totoong estado ng pag-aaral ko.

nakakahiya ako. sinasayang ko ang pinagpapaguran ng aking mga magulang.

pero kahit na ganito alam kong hindi pa huli ang lahat. may pag-asa pa para itama ang mga mali. may pagkakataon pa para makahabol.

it took me two years in college to realize this. anu ba yan. kahiya. haha. pero willing akong magbago.

kelangan baguhin na ang aking study habits. kelangan pang mas ipokus ang aking sarili sa pag-aaral.

naniniwala akong kaya ko to. kakayanin. kung gusto kong grumadweyt on time eh talagang kelangan magsikap. kinukundisyon ko na ang sarili ko ngayon palang.

masarap mag-aral.

o pano, kita kits nalang sa unang araw ng pasukan. :)

Bitterness

"i laugh at myself, while the tears roll down"

baket ganito?? grr. ayaw kong maging bitter sa mga pangyayare. i accepted the fact that it's not meant to be.
nakakatawa naman. pilit kong sinasabi na ok lang ako. na wala saken yun. na tanggap ko na ang lahat. pero pag mag-isa nalang ako parang hindi naman ganun eh.

people think of me as a strong person. eh kase that's what i let them see. panira lang talaga ang tear glands ko. hahaha. it's the exact opposite. ambabaw ng luha ko, badtrip. hahaha.

so ang drama ko na. anu ba to. damn these songs i'm listenin' to right now. nanisi pa eh noh?? wahahaha.

i just want to let these blasted feelings out. mahirap itago lahat eh. hahaha. para kahit papano, kahit pa unti-unti nailalabas ko. at dadating din ang araw na wala na talaga entirely. no more bitterness, no more hurts. sana lang it will happen SOON!! wahahaha. ayaw ko ng madramang buhay. although i must admit na i'm quite a drama queen. haha. ok, so i'm not making sense. hahaha.

snap out of it kristina!! yan ang sinasabi ko sa sarili ko pag parang nag-eemote emotan nanaman ako. gaya ngayon. hahaha.

pakisampal nga ako ng bonggang bongga! please lang. hahaha.

haayyy!

bitter nga ako. aynako. hahaha. atleast aminado ako.
hindi nga lang halata. kase magaling ako umarte!! haha. joke.

isa lang ang solusyon para dito and i know that.

that is to MOVE ON.

hopefully,

i'm getting there. :)