Tuesday, June 24, 2008

Init ng ulo

Kilala ang mga Pilipino na mga masisiyahing nilalang.

Pero minsan syempre hindi maiiwasan ang init ng ulo.

Pagod, init, stress at maging ang mabagal na daloy ng trapiko ay ilan sa mga rason dito.
Ngunit wala namang mareresolba kung paiiralin lang naten ang init ng ulo. Mas hihirap at bibigat lang ang ating pakiramdam.

Sa diskusyon sa pagitan ng dalawang tao na mainit ang ulo, tiyak na gulo/away lang ang kahihinatnan.
Kung magpapadala tayo parati sa mga ganitong sitwasyon wala tayong mararating. Wala namang masama kung paminsan ay hahabaan natin ang ating mga pisi.
Matuto tayong magpasensya at intindihin ang isa't isa. Marahil, bababa ang "crime rate" dito kung ganito ang gagawin ng bawat Pilipino.
Imbes na sumimangot at magalit, bakit hindi natin subukang ngumiti.

Tandaan, nakakapangit ang nakabusangot na mukha. Nakakastress yan sa ating mga face muscles.
Kaya panatilihing nakangiti.

Ang saya sa feeling diba?
SMILE!! :D

No comments: