Thursday, July 31, 2008

Tag-baha

Nung umalis ako sa bahay para pumasok, bagama't maulan, confident ako kase may payong na muli ako. Naisip kong hindi na mauulit yung kamalasan ko nung isang gabi.

Nagkamali ako.

Mas matinding adventure pala ang haharapin ko ngayong araw. Sisiw na sisiw pala yung pinagdaanan ko nung nalimot ko ang payong ko kesa sa hinarap ko kanina.

BAHA.

Sa tatlong taon kong pamamalagi sa UP-Manila, kanina ko lang naranasan ang lupit ng pagbaha sa Maynila.
Oo nga't hindi ko unang beses lumusong sa makati at maduming tubig baha ngunit ito ang unang pagkakataon na ako'y mag-isa. Isa pa mejo mataas yung level ng tubig baha. Kahit saan ako lumingon ako ay napapaligiran ng tubig, maduming tubig.

Nag-umpisa ang lahat nang dahil sa malakas at walang humpay na buhos ng ulan. Akala ko (ako si ms.akala eh) normal rainy day lang ito. Hindi pumasok sa isip ko na magbabaha ng sobra. Mali nanaman ako.

Pauwi na ako nun. Tumawid ako sa may Taft. Na-stranded ako dun sa island sa gitna ng tawiran (yung sa ilalim ng lrt). Sobrang lumakas yung ulan, hindi na kaya ng payong ko kaya naghintay ako. Wrong move. Tumaas yung tubig baha. Ayaw kong lumusong. Wala akong nagawa kundi mag-intay. Dahil sa pagtaas ng tubig baha nabulabog ang mga ipis, oo ipis as in cockroach, sa mga lungga nila. Naglabasan sila. Kadiri. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag hysterical. Ayaw ko ng ipis, lalo na kung lumilipad. Kahit papano may natitira pa pala akong magandang kapalaran, who would have thought. Hindi ako ginambala ng mga ipis. Pero syempre hindi ako nainggit sa babaeng pinili nilang lapitan. Hindi sila nakuntento sa paa niya lang. May isang nangahas na akyatin ang katawan nya, all the way to the neck. O diba, ang bilis mag "da moves" nung ipis. Nabilib ako dun sa babae kase hindi man lang sya sumigaw o nagsasayaw kakapagpag nung damuhong ipis. Ako kase siguro nagwala na pag sakin nangyari yun.
Matapos ang napakahabang panahon, nung mejo humina na ang ulan (pero mataas padin ang baha) nagpasya akong mag sidecar para makatawid at makapunta sa Mercury Drug. Bumili ako ng alcohol at tissue. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero kase magcocommute lang ako pauwi. Aminin makati ang tubig baha. Ayaw ko naman sigurong magkamot at bumaho ang paa ko diba. Pampalubag loob nadin siguro.
Nakabili nako. Panahon nanaman para suungin ang pagsubok na nakalatag sa harap ko. Maging sa mga sidewalk baha. Wala nakong choice. Itinaas ko na ang pantalon ko at pikit-matang sinuong ang tubig baha.
Nakarating ako hanggang sa may Watson's (alam ko pamilyar na kayo sa taft). Ngunit kinailangan ko nanaman tumigil (and i'm thankful at tumigil ako, you'll see later). Mas mataas ang tubig dito (may mas itataas pa pala ang baha, aynako talaga). Hindi ko na alam gagawin ko. I had an internal battle, lulusong ba ako o magpepedicab ulet o sasakay nako ng fx pag may nakita ako. Natulala nalang ako. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari.
At sa mga panahong iyon may biglang tumawag ng pangalan ko.
"Marcia"
Si Apol.
Biglang nag-iba ang outlook ko. Sa wakas hindi nako mag-isa. Kaya ko na muling harapin ang baha. Naghihintay lang pala ako ng kadamay. Haha.
Nilusong namin dalawa yung baha. Go3 na ito. Nakakita kami ng fx, Cubao. Sakto. Nakasakay din ako sa wakas. Maraming Salamat Apol, you're a lifesaver. Kundi dahil sayo tuluyan na siguro akong naging catatonic dun at hindi nako naka-alis. Haha.

Masikip sa nasakyan kong fx. Sa gitna kase ako naupo. Wala pa nga yata sa kalahati ng pwet ko ang nakaupo. Pero hindi ko na ininda iyon, ang mahalaga nakasakay nako.
Heavy traffic.
Hindi nako nagulat. Baha kase, malamang yun. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagmasid sa mga tao sa labas.
Mejo maulan pa din ngunit hindi na masyado malakas. Uwian na ng mga mag-aaral. Walang payong ang karamihan pero hindi naging hadlang iyon sa pagbagtas nila ng daan nila pauwi. Tangan ang mga gamit nila at maging ang mga sapatos nila, naglakad sila patungo sa landas ng kanilang mga bahay. Ngunit kahit nakadikit na sa balat nila ang kanilang mga damit, basa ang mga gamit sa eskwela, ang iba ang mga sapatos na pinaka-iingatan ay lubog sa tubig baha, ay masaya padin sila. Kitang-kita na nag-eenjoy sila bagama't lubog na ang Maynila sa tubig baha. Tawanan padin ng tawanan. Tuloy padin ang biruan. Naisip ko, siguro kasi kasama nila ang kanilang barkada. O pwede din namang walang magagawa kung magmumukmok sila sa mga pangyayari, kaya itawa nalang diba.
Hindi ko mapigilang mapangiti kasabay nila.

Akala ko hanggang sa Taft lang ang baha na ito. Mali nanaman ang akala ko. Maging sa City Hall, sa Lawton, Morayta, sa UST at sa iba't ibang bahagi ng Espanya ay baha. Lubog na ang Maynila sa tubig baha. Ang mga tao daig pa ang tumatawid sa obstacle course maiwasan lang ang baha. Masuwerte ang mga mag-aaral na may baong tsinelas. Ang mga wala, ayaw kong isipin kung anung kinahinatnan ng mga paa nila pagkauwi nila. Haha.

After 2 hours siguro (i lost track na eh), nakauwi nadin ako. Ang una kong ginawa, malamang ang maghugas at i-disinfect ang paa ko. Makati kasi talaga ang tubig baha. Hindi kinaya ng alcohol. Haha.

Nahiga ako.
Nag instant replay ang mga pangyayari sa utak ko. Ang lakas ko talaga kay "Kapalaran", gustung-gusto nya akong pag-tripan. Siguro may balat ako sa pwet. Imbisibol nga lang siguro kaya hindi ko makita. Haha.
Habang naka playback ang mga events nung hapon na iyon sa likod ng mga talukap ng mata ko, napaisip ako.
Pinagsisihan ko ba ang pag-alis ng bahay namin kanina?
Hindi siguro. Oo, hindi nga. O diba, ang linaw nang sinabi ko na iyon. Haha.
Hindi ko babawiin ang mga naganap ngayon.
Bagama't delubyo ang adventure ko, hindi ko padin ito malilimutan. (malamang) haha.
Hindi siguro kumpleto ang college life ko kung hindi ko 'to naranasan.

Anu naman kaya ang naghihintay sakin bukas? Parang ayaw kong ma-imagine. Hahaha.

Mahimbing siguro ang magiging tulog ko ngayong gabi. Hindi lamang dahil sa pagod, kundi dahil deep down inside alam kong nadagdagan nanaman ang aking 'di malilimutang mga karanasan.

Sa hinaharap, pag babalikan ko ang mga pangyayaring ito alam kong magbibigay saya sakin ito.
Masaya kong tatawanan ang lahat ng ito.

July 31, 2008: Araw ng paglubog.

Literal na paglubog. :D

Wednesday, July 30, 2008

You're Out

Habang ako ay nagsusulat ng aking blog at notes (multitasking. gawain ko ito kapag bored ako sa isang subject) sa isa kong klase, biglang tinawag ng guro ang atensyon ng dalawa kong kaklase. Tinanong niya ang mga apelyido nila. Akala ko, as usual, recitation nanaman. Nagkamali ako. Kinuha ang mga pangalan nila at walang kung anu-ano ay pinalabas niya ang mga nasabing mag-aaral.
Nagtaka ako. Bakit??

Nabalitaan ko na ang tendency ng guro na ito na magpalabas ng mga estudyante. Lalo na kung maingay at nagtatawanan ang mga ito. May nakapagkwento na sa akin nun.

Pers taym kong masaksihan ito sa aming klase. Marahil dahil ay kakaunti lang kami kaya hindi ito madalas na mangyari. At akala ko hindi na mangyayari. Wrong nanaman aketch.

Kanina ay naganap ang akala ko'y hindi na mangyayari.

Sa aking opinyon hindi ito makatarungan. Lalo na sa pagkakataong ito.
Sa pagkakaalam ko wala silang ginagawang mali. Hindi ko nga sila nakitang nagdaldalan eh. Kaya laking gulat ko na lamang ng makita kong pinapalabas na sila.
Unfair.
Malay ba nung prof kung tungkol saan yung pinag-usapan nila (kung nag-usap man sila). Pwede namang tungkol sa subject yun at may tinanong lang si Student A kay Student B. Ni hindi nga nakaistorbo sa klase yung dalawa eh.
Kung nakakagambala sa class discussion ang ingay ng mga mag-aaral, sige palabasin nya. Fine. Ganun yung patakaran nya eh.
Pero hindi sa pagkakataong ito.
Wala akong nakitang rason para gawin nya 'yon.
Grabe naman. Ang lagay bawal na magsalita ever.
Parang one wrong move and you're out!

Aynako.

Ikaw, ano sa tingin mo?

Pasaway

No Loading and Unloading
Sandamakmak na jeep ang naghihintay at nagsasakay ng mga pasahero.
Mga fx na nagbaba ng mga tao.

No Jaywalking
Kumpol-kumpol na tao. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tawid.

Stop Light
Isang pribadong sasakyan ang tuluy=tuloy na kumaripas ang takbo.

No Littering
Kabundok na basura at kalat ang makikita.

Ilan lamang iyan sa mga pang araw-araw na eksenang aking nasasaksihan sa daan.
Nakakadismaya.
Kung tutuusin mga simpleng traffic rules at batas lamang ang ilan sa mga iyan, hindi pa masunod.
Hindi ko malaman kung napipilitan lang sila dahil sa mga sirkumstansya o talagang nananadya.

Kawalang ng disiplina. Consistent yata tayo jan.
Sobrang hirap bang sumunod?
Ikakamatay ba natin kung kahit sa isang araw lang ay susundin natin ang lahat ng batas?

Sa pagkakaalam ko ang mga batas na 'yan ay para sa ikakabuti natin. Unless na para design lang ang mga iyan.

Wala naman sigurong masama kung for once ay magiging "good citizens op da Pilipins" tayo at "we will abide by the law".

Pero parang malabo. Mahilig kase tayo sa bawal. Kung anong hindi pwede yun ang ginagawa.
May thrill yata kase pag ginagawa ang bawal.
Pasaway.

Hihintayin ba muna natin na may hindi magandang mangyari bago tayo matuto?

Disiplina, mga kapatid.
Try natin 'to minsan.
Malay mo, umasenso tayo dahil jan.

Payong

Sa unang pagkakataon ay binigo ako ng payong ko. :(

Umulan ng malakas habang nasa fx pa ako pauwi. Patuloy akong nagwish na sana ay tumigil ang ulan ngunit hindi yata narinig ng mga fairy godmothers ko ang hiling ko sapagkat lalo pa itong lumakas. Dumating na ang lugar kung san ako dapat bumaba. Walang choice, kelangan ng magsabi ng "mama, sa tabi lang po". Bumaba na ako. Hindi padin tumila ang ulan. Sumilong muna ako. Naisip ko, malapit naman na to sa bahay papasundo nalang ako. Nagcompose ako ng text message, pag pindot ko ng send maka ilang sandali ay umilaw ang aking cellphone. Nakalagay message sending failed. Nakow!! walang load. Napaka swerte naman talaga. Walang mabilan ng load. Tignan mo nga naman. Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang ulan at umasang maaawa ito saken. Matapos ang madaming minuto, sa wakas humina nadin kahit papano ang ulan. Go na ako. Lakad-takbo ang ginawa ng lola nyo. Di bale ng mejo basang sisiw akong nakarating sa bahay, ang mahalaga naka uwi na ako. hahaha.

Lesson learned: wag kalimutan ang payong kahit gano pa kainit sa umaga/tanghali. :D

Kowt

"Pain is inevitable. Suffering is a choice."

---
nabasa mula sa librong Sisterhood of the Traveling Pants 2


Pramis

"promises are made to be broken"

Natutunan ko nang wag panghawakan ang mga pangako. Mahirap na, baka hindi lang matupad.
Mas mainam na lang siguro kung derecho gawa na lamang.
Sa ganito,iwas disappointment.

Kaya pag may nangako, oo nalang.

Monday, July 14, 2008

Mamang Drayber

Hindi lingid sa ating kaalaman ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Ang epekto nito: DAGDAG PASAHE

Ramdam na natin ito, lalung-lalo sa mga nagcocommute.
Hindi naman masamang magtaas ng pasahe eh, pero manong drayber wag ka namang abusado.

Merong mga pampublikong sasakyan, particularly mga fx, na hindi pa naaaprubahan ang fare hike ay eto't tahasan ang paniningil ng dagdag pasahe. Sila pa ang magagalit kapag nagreklamo ang mga pasahero.
Ang mga taxi naman sobra kung humingi ng dagdag sa metro. Kung tutuusin hindi nga sila dapat humihingi ng dagdag eh kase hindi pa aprubado ang hinihingi nilang additional P10 sa metro.

Mamang Drayber, hindi lang po kayo ang apektado sa mga pagtaas na ito. Maging kami din po. Pare-parehas lang po tayong naaapektuhan sa mga pagtaas na nagaganap.
Kaya sana ay maintindihan nyo din kame.

Deadma

"open rebuke is better than silence"


Nakakabingi ang katahimikan. Nakakabaliw din kung minsan.
May mga silence na uncomfortable.
Hindi mo malaman kung galit na ba o sadyang wala lang masabi.
Mahirap basahin ang mga kilos dahil limitado ang galaw.

Pwedeng oo, maaari din namang hindi.
Mahirap.

Hindi mo maprangka dahil tatahimik lang naman at dehins sasagot.
Nakakalurky.

Ayan tuloy, deadmahan nalang.


OA

Iwasan natin ang mga OA na reaksyon.
Huwag magpadala agad-agad sa mga emosyon.

Mind over matter
.

Isipin ang bawat kilos.
Mahirap na bawiin ang mga nasabi/nagawa na. Wala ng magagawa kundi panindigan ito.

Chill.
Hinay-hinay lang.