Ang pagtatanong ay hindi nangangahulugan ng kamangmangan.
Oo, naipapakita nito na may mga bagay tayong hindi alam ngunit hindi ito sukatan nang katalinuhan ng isang tao. Sa katunayan ipinapakita nito ang kagustuhan natin na matuto at magkamit pa nang dagdag na kaalaman.
Hindi ito kahinaan. Tao lamang tayo.
Hindi natin alam ang lahat.
Kaya matuto tayong magtanong, lalo na sa mga taong mas nakakaalam sa atin.
'Wag tayong mahiya.
Let us seek further knowledge, not only thru books and experience, but also by asking.
Sa ganitong paraan pinapalawak pa natin ang ating taglay na kaalaman.
Let us acknowledge that we cannot do everything by ourselves.
Mas mainam nang aminin natin na hindi natin alam ang lahat kesa magdunung-dunungan tayo. We will only make a fool of ourselves if we choose the former.
Kung naguguluhan ka sa lesson, magtanong.
Kung hindi mo alam ang kasagutan sa iyong mga katanungan, magtanong.
Kapag nawawala ka at 'di mo na alam kung saan ka patungo, magtanong.
'Wag tayong assuming parati at mag-rely na lang sa akala. Magtanong.
Minsan akala natin imposible na malaman ang isang bagay. But actually it is within our grasp, all we have to do is ask. Just ask.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Oo, masarap magtanong ng mga bagay na may kwenta :)
Post a Comment