Thursday, September 11, 2008

False Security

Ang seatbelt pag sinuot mo hindi naman ibig sabihin hindi ka na maaaksidente ever.
'Yan ang False sense of Security.
Akala mo safe ka.

Akala mo lang yun.

Ganyan din sa aking neighborhood. Akala ko porke nasa malapit lang ako sa aming bahay eh wala ng mangyayare saken na masama.

Akala ko lang yun.

Nai-snats lang naman ang aking selepono. Haayy.
Nakakagulat. Nakakawindang. Nakaka-shock.
Ang bilis ng mga pangyayare. One second nag-uusap lang kame ng isa sa malalapit kong kaibigan, then the next thing i knew, wala na ang aking minamahal na 3230.

Ang bilis talaga ng mga kamay ng mga snatchers. Bihasang bihasa na talaga. Ni hindi man lang nasira yung lanyard ko sa paghatak nya sa aking cellphone. Tapos ang bilis din nila magsi-takbo. Pwedeng pwede nga silang sumali sa mga track and field events. Naku, i'm sure malaki ang laban nila pag nagkataon.

Poverty related crime ang pagnanakaw at pagii-snatch. Nang dahil sa kahirapan nagreresulta nalang sila sa pagnanakaw sa ibang tao.
Pero hindi padin ito enough justification para manguha sila ng gamit ng iba. Pinaghihirapan ng mga tao iyon tapos kukunin nalang nila ng ganun-ganun na lang. Magtrabaho kaya sila ng marangal.

Ang bitter ko noh?! Haha.

Haayy.

Strike anywhere talaga ang mga masasamang-loob.
Kaya mga kapatid,
MAG-INGAT!

Wednesday, August 27, 2008

Hopelessly in love ♥

Meet Edward Cullen, my vampire love.

A normal guy would say: “I love you Baby!”
Edward Cullen would say: “You are my life now.”

Normal Guy would say: “I think I am falling for you.”
Edward Cullen would say: “The Lion fell in Love with the Lamb”

Normal Guy would say: “You hair looks like a haystack; go brush it!”
Edward Cullen would say: "Your hair looks like a haystack but I like it.”

A normal guy would pick a random song from a random artist and dedicate it to you.
Edward Cullen would sing you a song he wrote for you while playing the piano.

If you died, a normal guy would find another.
If you died, Edward would kill himself cause life without you isn’t worth living.

"Well, I wasn't going to live without you.." He rolled his eyes as if that fact were childishly obvious. "..but I wasn't sure how to do it. I knew Emmet and Jasper would never help so I was thinking maybe I would go to Italy and do something to provoke the Volturi."

As you leave the house, a normal guy would say: “Bye, see ya!”
As you leave the house Edward Cullen would say: “Come back to me, love.”

He smiled my favorite smile. "Hurry back to me."
"Always."

As you come back to the house, a normal guy would be watching TV and wouldn’t even notice.
As you come back to the house, Edward Cullen would be welcoming you by playing the piano with a song just for you.

"I heard the music before I was out of the car. Edward hadn't touched his piano since the night Alice left. Now, as I shut the door, I heard the song morph through a bridge and change into my lulluby. Edward was welcoming me home.'

A normal guy would wait for you to make him breakfast.
Edward Cullen would make you breakfast everyday.

While you are both out for dinner, a normal guy wouldn’t keep his eyes off the sexy waitress.
Edward Cullen wouldn’t even notice the waitress was a female.

A normal guy, while driving, would keep one hand on the wheel and one hand on the radio.
Edward Cullen, while driving, would keep one hand on the wheel and the other attached to yours.

While far apart in different places, a normal guy would say: “I miss you.”
While far apart in different places, Edward Cullen would say: “It’s like you've taken half myself with you.”

A normal guy wouldn’t care or notice if you had nightmares.
Edward Cullen would sing until your nightmares went away.

"Do you want me to sing to you? I'll sing all night if it will keep the bad dreams away."

normal guy: good night
edward cullen: "Sleep, my (your name here). Dream happy dreams. You are the only one who has ever touched my heart. It will always be yours. Sleep my only love."

A normal guy does it with everyone.
Edward Cullen only does it with one.

A normal guy buys you flowers and chocolates.
Edward Cullen buys you a car.

---
got this from Hazel Somera

okay, so it's really obvious that i've been hit by the twilight saga fever. But can you blame me?
i'm an avid fiction reader plus not to mention a hopeless romantic at heart. Haha.

Edward Cullen is THE ideal guy for most girls. Stephenie Meyer really pushed the standards of "boyfriend material", not only to the next level, but sky high. I know such guys don't exist but it's never wrong to dream.
I am also aware that this only happens in "never, neverland" (as what my professor said of ideal situations), but i'd rather have him in dreamland than never.

Meyer has created something perfect in the form of Edward Cullen.

I can't help but fall in love with him, a fictional character. It's absurd and pathetic, i know, but still i'm going to hold onto him until my real Edward comes and sweeps me off my feet. (i'm so mushy, right? hahaha.)
Until that time, i'm going to live in "never, neverland".

Free Rider

Kasama ba sa mga benefits ng pagiging pulis ang libre sila sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan?
pribilehiyo o pang-aabuso?

Kung pribilehiyo nila iyon kainggit naman si Mamang Pulis. Walang iniintindi pagsakay sa mga pampublikong sasakyan kundi san sila bababa. Haayy.

Kung pang-aabuso naman, mahiya ka naman. Naghahanap buhay lang din naman si Manong Drayber ah. Hindi ba't pag hindi ka na naka duty eh simpleng mamamayan ka nalang ulit. So bakit hindi ka nagbayad??

UNFAIR.

Friday, August 15, 2008

Walang katapusang baha

Sa 'twing umuulan na lamang ay bumabaha sa taft.
nagmimistulang mini Manila Bay ang kahabaan ng taft kapag umuulan.
nakakalungkot dahil sa halip na makatulong ang mga road enhancing projects ng gobyerno ay tila ito pa ang nagiging dahilan ng pagbaha sa mga lugar.
masasabi kong lumala ang sitwasyon sa taft.
konting buhos ng ulan, baha na kagad.
tsk, tsk, tsk.
ang aking payo: magbaon ng tsinelas. hahaha.

A helping hand

"amidst a throng of people, i saw a ray of hope on a pair of hands"

isang mahalagang bagay ang natutunan ko ngayong araw. nakakatuwa, nakakaantig ng puso.
may mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan nito.
walang hinihintay na kapalit, walang ibang motibo kundi ang tumulong at makatulong.

personal ko itong naranasan at talagang masasabi kong meron pa ding mga taong hangad ang makatulong sa kapwa.
napatunayan ko din na "kindness is indeed contagious".
sana dumami pa ang mga kagaya nilang mabubuting nilalang.
isa kayong magandang halimbawa sa amin.
Strangers, maraming salamat.

"in a world full of strangers, i found a friend in your helping hand"

Wednesday, August 6, 2008

Just Ask

Ang pagtatanong ay hindi nangangahulugan ng kamangmangan.
Oo, naipapakita nito na may mga bagay tayong hindi alam ngunit hindi ito sukatan nang katalinuhan ng isang tao. Sa katunayan ipinapakita nito ang kagustuhan natin na matuto at magkamit pa nang dagdag na kaalaman.

Hindi ito kahinaan. Tao lamang tayo.
Hindi natin alam ang lahat.
Kaya matuto tayong magtanong, lalo na sa mga taong mas nakakaalam sa atin.
'Wag tayong mahiya.

Let us seek further knowledge, not only thru books and experience, but also by asking.
Sa ganitong paraan pinapalawak pa natin ang ating taglay na kaalaman.
Let us acknowledge that we cannot do everything by ourselves.
Mas mainam nang aminin natin na hindi natin alam ang lahat kesa magdunung-dunungan tayo. We will only make a fool of ourselves if we choose the former.

Kung naguguluhan ka sa lesson, magtanong.
Kung hindi mo alam ang kasagutan sa iyong mga katanungan, magtanong.
Kapag nawawala ka at 'di mo na alam kung saan ka patungo, magtanong.

'Wag tayong assuming parati at mag-rely na lang sa akala. Magtanong.

Minsan akala natin imposible na malaman ang isang bagay. But actually it is within our grasp, all we have to do is ask. Just ask.

Thursday, July 31, 2008

Tag-baha

Nung umalis ako sa bahay para pumasok, bagama't maulan, confident ako kase may payong na muli ako. Naisip kong hindi na mauulit yung kamalasan ko nung isang gabi.

Nagkamali ako.

Mas matinding adventure pala ang haharapin ko ngayong araw. Sisiw na sisiw pala yung pinagdaanan ko nung nalimot ko ang payong ko kesa sa hinarap ko kanina.

BAHA.

Sa tatlong taon kong pamamalagi sa UP-Manila, kanina ko lang naranasan ang lupit ng pagbaha sa Maynila.
Oo nga't hindi ko unang beses lumusong sa makati at maduming tubig baha ngunit ito ang unang pagkakataon na ako'y mag-isa. Isa pa mejo mataas yung level ng tubig baha. Kahit saan ako lumingon ako ay napapaligiran ng tubig, maduming tubig.

Nag-umpisa ang lahat nang dahil sa malakas at walang humpay na buhos ng ulan. Akala ko (ako si ms.akala eh) normal rainy day lang ito. Hindi pumasok sa isip ko na magbabaha ng sobra. Mali nanaman ako.

Pauwi na ako nun. Tumawid ako sa may Taft. Na-stranded ako dun sa island sa gitna ng tawiran (yung sa ilalim ng lrt). Sobrang lumakas yung ulan, hindi na kaya ng payong ko kaya naghintay ako. Wrong move. Tumaas yung tubig baha. Ayaw kong lumusong. Wala akong nagawa kundi mag-intay. Dahil sa pagtaas ng tubig baha nabulabog ang mga ipis, oo ipis as in cockroach, sa mga lungga nila. Naglabasan sila. Kadiri. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag hysterical. Ayaw ko ng ipis, lalo na kung lumilipad. Kahit papano may natitira pa pala akong magandang kapalaran, who would have thought. Hindi ako ginambala ng mga ipis. Pero syempre hindi ako nainggit sa babaeng pinili nilang lapitan. Hindi sila nakuntento sa paa niya lang. May isang nangahas na akyatin ang katawan nya, all the way to the neck. O diba, ang bilis mag "da moves" nung ipis. Nabilib ako dun sa babae kase hindi man lang sya sumigaw o nagsasayaw kakapagpag nung damuhong ipis. Ako kase siguro nagwala na pag sakin nangyari yun.
Matapos ang napakahabang panahon, nung mejo humina na ang ulan (pero mataas padin ang baha) nagpasya akong mag sidecar para makatawid at makapunta sa Mercury Drug. Bumili ako ng alcohol at tissue. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero kase magcocommute lang ako pauwi. Aminin makati ang tubig baha. Ayaw ko naman sigurong magkamot at bumaho ang paa ko diba. Pampalubag loob nadin siguro.
Nakabili nako. Panahon nanaman para suungin ang pagsubok na nakalatag sa harap ko. Maging sa mga sidewalk baha. Wala nakong choice. Itinaas ko na ang pantalon ko at pikit-matang sinuong ang tubig baha.
Nakarating ako hanggang sa may Watson's (alam ko pamilyar na kayo sa taft). Ngunit kinailangan ko nanaman tumigil (and i'm thankful at tumigil ako, you'll see later). Mas mataas ang tubig dito (may mas itataas pa pala ang baha, aynako talaga). Hindi ko na alam gagawin ko. I had an internal battle, lulusong ba ako o magpepedicab ulet o sasakay nako ng fx pag may nakita ako. Natulala nalang ako. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari.
At sa mga panahong iyon may biglang tumawag ng pangalan ko.
"Marcia"
Si Apol.
Biglang nag-iba ang outlook ko. Sa wakas hindi nako mag-isa. Kaya ko na muling harapin ang baha. Naghihintay lang pala ako ng kadamay. Haha.
Nilusong namin dalawa yung baha. Go3 na ito. Nakakita kami ng fx, Cubao. Sakto. Nakasakay din ako sa wakas. Maraming Salamat Apol, you're a lifesaver. Kundi dahil sayo tuluyan na siguro akong naging catatonic dun at hindi nako naka-alis. Haha.

Masikip sa nasakyan kong fx. Sa gitna kase ako naupo. Wala pa nga yata sa kalahati ng pwet ko ang nakaupo. Pero hindi ko na ininda iyon, ang mahalaga nakasakay nako.
Heavy traffic.
Hindi nako nagulat. Baha kase, malamang yun. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagmasid sa mga tao sa labas.
Mejo maulan pa din ngunit hindi na masyado malakas. Uwian na ng mga mag-aaral. Walang payong ang karamihan pero hindi naging hadlang iyon sa pagbagtas nila ng daan nila pauwi. Tangan ang mga gamit nila at maging ang mga sapatos nila, naglakad sila patungo sa landas ng kanilang mga bahay. Ngunit kahit nakadikit na sa balat nila ang kanilang mga damit, basa ang mga gamit sa eskwela, ang iba ang mga sapatos na pinaka-iingatan ay lubog sa tubig baha, ay masaya padin sila. Kitang-kita na nag-eenjoy sila bagama't lubog na ang Maynila sa tubig baha. Tawanan padin ng tawanan. Tuloy padin ang biruan. Naisip ko, siguro kasi kasama nila ang kanilang barkada. O pwede din namang walang magagawa kung magmumukmok sila sa mga pangyayari, kaya itawa nalang diba.
Hindi ko mapigilang mapangiti kasabay nila.

Akala ko hanggang sa Taft lang ang baha na ito. Mali nanaman ang akala ko. Maging sa City Hall, sa Lawton, Morayta, sa UST at sa iba't ibang bahagi ng Espanya ay baha. Lubog na ang Maynila sa tubig baha. Ang mga tao daig pa ang tumatawid sa obstacle course maiwasan lang ang baha. Masuwerte ang mga mag-aaral na may baong tsinelas. Ang mga wala, ayaw kong isipin kung anung kinahinatnan ng mga paa nila pagkauwi nila. Haha.

After 2 hours siguro (i lost track na eh), nakauwi nadin ako. Ang una kong ginawa, malamang ang maghugas at i-disinfect ang paa ko. Makati kasi talaga ang tubig baha. Hindi kinaya ng alcohol. Haha.

Nahiga ako.
Nag instant replay ang mga pangyayari sa utak ko. Ang lakas ko talaga kay "Kapalaran", gustung-gusto nya akong pag-tripan. Siguro may balat ako sa pwet. Imbisibol nga lang siguro kaya hindi ko makita. Haha.
Habang naka playback ang mga events nung hapon na iyon sa likod ng mga talukap ng mata ko, napaisip ako.
Pinagsisihan ko ba ang pag-alis ng bahay namin kanina?
Hindi siguro. Oo, hindi nga. O diba, ang linaw nang sinabi ko na iyon. Haha.
Hindi ko babawiin ang mga naganap ngayon.
Bagama't delubyo ang adventure ko, hindi ko padin ito malilimutan. (malamang) haha.
Hindi siguro kumpleto ang college life ko kung hindi ko 'to naranasan.

Anu naman kaya ang naghihintay sakin bukas? Parang ayaw kong ma-imagine. Hahaha.

Mahimbing siguro ang magiging tulog ko ngayong gabi. Hindi lamang dahil sa pagod, kundi dahil deep down inside alam kong nadagdagan nanaman ang aking 'di malilimutang mga karanasan.

Sa hinaharap, pag babalikan ko ang mga pangyayaring ito alam kong magbibigay saya sakin ito.
Masaya kong tatawanan ang lahat ng ito.

July 31, 2008: Araw ng paglubog.

Literal na paglubog. :D

Wednesday, July 30, 2008

You're Out

Habang ako ay nagsusulat ng aking blog at notes (multitasking. gawain ko ito kapag bored ako sa isang subject) sa isa kong klase, biglang tinawag ng guro ang atensyon ng dalawa kong kaklase. Tinanong niya ang mga apelyido nila. Akala ko, as usual, recitation nanaman. Nagkamali ako. Kinuha ang mga pangalan nila at walang kung anu-ano ay pinalabas niya ang mga nasabing mag-aaral.
Nagtaka ako. Bakit??

Nabalitaan ko na ang tendency ng guro na ito na magpalabas ng mga estudyante. Lalo na kung maingay at nagtatawanan ang mga ito. May nakapagkwento na sa akin nun.

Pers taym kong masaksihan ito sa aming klase. Marahil dahil ay kakaunti lang kami kaya hindi ito madalas na mangyari. At akala ko hindi na mangyayari. Wrong nanaman aketch.

Kanina ay naganap ang akala ko'y hindi na mangyayari.

Sa aking opinyon hindi ito makatarungan. Lalo na sa pagkakataong ito.
Sa pagkakaalam ko wala silang ginagawang mali. Hindi ko nga sila nakitang nagdaldalan eh. Kaya laking gulat ko na lamang ng makita kong pinapalabas na sila.
Unfair.
Malay ba nung prof kung tungkol saan yung pinag-usapan nila (kung nag-usap man sila). Pwede namang tungkol sa subject yun at may tinanong lang si Student A kay Student B. Ni hindi nga nakaistorbo sa klase yung dalawa eh.
Kung nakakagambala sa class discussion ang ingay ng mga mag-aaral, sige palabasin nya. Fine. Ganun yung patakaran nya eh.
Pero hindi sa pagkakataong ito.
Wala akong nakitang rason para gawin nya 'yon.
Grabe naman. Ang lagay bawal na magsalita ever.
Parang one wrong move and you're out!

Aynako.

Ikaw, ano sa tingin mo?

Pasaway

No Loading and Unloading
Sandamakmak na jeep ang naghihintay at nagsasakay ng mga pasahero.
Mga fx na nagbaba ng mga tao.

No Jaywalking
Kumpol-kumpol na tao. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tawid.

Stop Light
Isang pribadong sasakyan ang tuluy=tuloy na kumaripas ang takbo.

No Littering
Kabundok na basura at kalat ang makikita.

Ilan lamang iyan sa mga pang araw-araw na eksenang aking nasasaksihan sa daan.
Nakakadismaya.
Kung tutuusin mga simpleng traffic rules at batas lamang ang ilan sa mga iyan, hindi pa masunod.
Hindi ko malaman kung napipilitan lang sila dahil sa mga sirkumstansya o talagang nananadya.

Kawalang ng disiplina. Consistent yata tayo jan.
Sobrang hirap bang sumunod?
Ikakamatay ba natin kung kahit sa isang araw lang ay susundin natin ang lahat ng batas?

Sa pagkakaalam ko ang mga batas na 'yan ay para sa ikakabuti natin. Unless na para design lang ang mga iyan.

Wala naman sigurong masama kung for once ay magiging "good citizens op da Pilipins" tayo at "we will abide by the law".

Pero parang malabo. Mahilig kase tayo sa bawal. Kung anong hindi pwede yun ang ginagawa.
May thrill yata kase pag ginagawa ang bawal.
Pasaway.

Hihintayin ba muna natin na may hindi magandang mangyari bago tayo matuto?

Disiplina, mga kapatid.
Try natin 'to minsan.
Malay mo, umasenso tayo dahil jan.

Payong

Sa unang pagkakataon ay binigo ako ng payong ko. :(

Umulan ng malakas habang nasa fx pa ako pauwi. Patuloy akong nagwish na sana ay tumigil ang ulan ngunit hindi yata narinig ng mga fairy godmothers ko ang hiling ko sapagkat lalo pa itong lumakas. Dumating na ang lugar kung san ako dapat bumaba. Walang choice, kelangan ng magsabi ng "mama, sa tabi lang po". Bumaba na ako. Hindi padin tumila ang ulan. Sumilong muna ako. Naisip ko, malapit naman na to sa bahay papasundo nalang ako. Nagcompose ako ng text message, pag pindot ko ng send maka ilang sandali ay umilaw ang aking cellphone. Nakalagay message sending failed. Nakow!! walang load. Napaka swerte naman talaga. Walang mabilan ng load. Tignan mo nga naman. Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang ulan at umasang maaawa ito saken. Matapos ang madaming minuto, sa wakas humina nadin kahit papano ang ulan. Go na ako. Lakad-takbo ang ginawa ng lola nyo. Di bale ng mejo basang sisiw akong nakarating sa bahay, ang mahalaga naka uwi na ako. hahaha.

Lesson learned: wag kalimutan ang payong kahit gano pa kainit sa umaga/tanghali. :D

Kowt

"Pain is inevitable. Suffering is a choice."

---
nabasa mula sa librong Sisterhood of the Traveling Pants 2


Pramis

"promises are made to be broken"

Natutunan ko nang wag panghawakan ang mga pangako. Mahirap na, baka hindi lang matupad.
Mas mainam na lang siguro kung derecho gawa na lamang.
Sa ganito,iwas disappointment.

Kaya pag may nangako, oo nalang.

Monday, July 14, 2008

Mamang Drayber

Hindi lingid sa ating kaalaman ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Ang epekto nito: DAGDAG PASAHE

Ramdam na natin ito, lalung-lalo sa mga nagcocommute.
Hindi naman masamang magtaas ng pasahe eh, pero manong drayber wag ka namang abusado.

Merong mga pampublikong sasakyan, particularly mga fx, na hindi pa naaaprubahan ang fare hike ay eto't tahasan ang paniningil ng dagdag pasahe. Sila pa ang magagalit kapag nagreklamo ang mga pasahero.
Ang mga taxi naman sobra kung humingi ng dagdag sa metro. Kung tutuusin hindi nga sila dapat humihingi ng dagdag eh kase hindi pa aprubado ang hinihingi nilang additional P10 sa metro.

Mamang Drayber, hindi lang po kayo ang apektado sa mga pagtaas na ito. Maging kami din po. Pare-parehas lang po tayong naaapektuhan sa mga pagtaas na nagaganap.
Kaya sana ay maintindihan nyo din kame.

Deadma

"open rebuke is better than silence"


Nakakabingi ang katahimikan. Nakakabaliw din kung minsan.
May mga silence na uncomfortable.
Hindi mo malaman kung galit na ba o sadyang wala lang masabi.
Mahirap basahin ang mga kilos dahil limitado ang galaw.

Pwedeng oo, maaari din namang hindi.
Mahirap.

Hindi mo maprangka dahil tatahimik lang naman at dehins sasagot.
Nakakalurky.

Ayan tuloy, deadmahan nalang.


OA

Iwasan natin ang mga OA na reaksyon.
Huwag magpadala agad-agad sa mga emosyon.

Mind over matter
.

Isipin ang bawat kilos.
Mahirap na bawiin ang mga nasabi/nagawa na. Wala ng magagawa kundi panindigan ito.

Chill.
Hinay-hinay lang.

Tuesday, June 24, 2008

Pagkakaisa

Iba-iba ang tao.
Lahat tayo unique.
Meron tayong kanya-kanyang pag-uugali at personalidad.

May outgoing, mayroong mahiyain.
Maingay at tahimik.
Malakas, mahina.
Nariyan yung mga mejo malakas ang dating at ang mga humble.
May makulit, may seryoso.

Kahit ganito man, hindi ito dapat maging dahilan ng di-pagkakaunawaan.

Basta't ang bawat isa'y may pakikisama, posible ang PAGKAKAISA. :)

Skin Tone

Ang weird ng tao.

Yung mga maiitim/kayumanggi halos gawin lahat ng pagkuskos at pagpapaya pumuti lang.
Yung mga mapuputi naman halos magka-skin cancer na kaka sunbathing para kahit papano ay umitim naman o maging tan.

Diba, weird. haha.

O sadyang hindi lang talaga tayo makuntento sa kung anung meron tayo?

A sad realization, but true.
Aminin man natin ito o hindi.

Init ng ulo

Kilala ang mga Pilipino na mga masisiyahing nilalang.

Pero minsan syempre hindi maiiwasan ang init ng ulo.

Pagod, init, stress at maging ang mabagal na daloy ng trapiko ay ilan sa mga rason dito.
Ngunit wala namang mareresolba kung paiiralin lang naten ang init ng ulo. Mas hihirap at bibigat lang ang ating pakiramdam.

Sa diskusyon sa pagitan ng dalawang tao na mainit ang ulo, tiyak na gulo/away lang ang kahihinatnan.
Kung magpapadala tayo parati sa mga ganitong sitwasyon wala tayong mararating. Wala namang masama kung paminsan ay hahabaan natin ang ating mga pisi.
Matuto tayong magpasensya at intindihin ang isa't isa. Marahil, bababa ang "crime rate" dito kung ganito ang gagawin ng bawat Pilipino.
Imbes na sumimangot at magalit, bakit hindi natin subukang ngumiti.

Tandaan, nakakapangit ang nakabusangot na mukha. Nakakastress yan sa ating mga face muscles.
Kaya panatilihing nakangiti.

Ang saya sa feeling diba?
SMILE!! :D

Burrdei

Sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking nagdaang kaarawan,

MARAMING SALAMAT!

pinasaya nyo ang aking araw.
:)

Wednesday, June 18, 2008

Pagsisisi

nasa huli ang pagsisisi.
malamang naman diba?? pwede bang pagsisihan ang hindi pa nangyayare?? hahaha.

ang nakaraang oras ay hindi na maaari pang ibalik. ika nga "past is past".
hindi na pwedeng ulitin pa ang mga pangyayareng naganap na.
wala tayong dapat gawin kundi tanggapin ito at matuto sa kung anu mang aral ang maaaring makuha sa pangyayareng iyon.
wala namang saysay kung manghihinayang na lamang tayo. mas maganda kung gagamitin naten ito upang sa hinaharap ay hindi na ito muling maulit.

makatutulong saten kung pag-iisipan muna natin ang bawat kilos upang sa gayon maiwasan ang mga pagkakamali at pagsisisi.
wag tayong magpa dalos-dalos.
hindi naman masama kung mag-iingat tayo sa ating mga ikikilos.
maging rasyonal tayo.

pero syempre may mga hindi inaasahang mga pangyayare ang minsa'y bumubulaga sa atin.
basta't lagi lang tandaan, ang lahat ng nangyayare ay may rason. hindi man natin ito kagad maintindihan, pero balang araw malalaman din natin ang kahalagahan nito.
sabi nga ni big brother: sa takdang panahon.
:D

Tuesday, June 17, 2008

Kowt

"Madaling magpanggap na mahal mo ang isang tao. Ang pinakamahirap ay magpanggap na hindi mo mahal ang taong mahal mo."

- Enchong Dee
My Girl

Dagdag Kaalaman

bentahe = advantage
repaso = review
perestroika = economic restructuring

---
DS111
DS127

Dignity

"mahirap nga kami pero may dignidad"

- a DS professor

Tuso

Maraming tusong mga tao ang nagkalat ngayon sa ating lipunan. Mahalagang hindi tayo magpauto sa kanila.
Magmasid.
Maging alerto.
Maging masuri.
Alamin ang katotohanan.
Maaaring sa unang sulyap maganda at kaaya-aya ito ngunit mapanlinlang ang mundo. Kung hindi tayo mag-iingat, sa huli tayo ang talo.

Buksan natin ang ating mga isipan.
Juan Dela Cruz, ika'y mangilatis,
dahil kung hindi kawawa ka.

Sunday, June 15, 2008

Negosasyon

patuloy pa din ang negosasyon para sa pagpapalaya sa dinakip na mamamahayag na si ces drilon at sa kasama nito na si encarnacion.
nanawagan na ang anak ni encarnacion na sana ay palayain na ang kanyang ama at si ces.
sabi nya: "kailangan ko sya, kailangan namin sya"
sana nga mapalaya na sila.
hangad lang naman nila ang maihatid sa tao ang katotohanan.

Magulang

sabi nila walang magulang ang nakakatiis sa anak.
kahit gano pa kalaki ang naging kasalanan nito ay tatanggapin padin nila ito.

totoo kaya ito sa lahat ng sitwasyon?
tunay nga kayang mas matimbang ang pagmamahal ng magulang sa kahit ano pa man?

don't get me wrong, hindi ako nagdududa.

di bale, sa mga susunod na araw ay malalaman ko din ang sagot sa aking mga katanungan.
sana lang hindi ako ma-disappoint.

Daddy's Day

daddy
itay
papa
father dear
'tay
ama
dada
tatay

para sa lahat ng mga tatay:

HAPPY FATHER'S DAY

mahal namin kayo! :D

Thursday, June 12, 2008

Finally

sa wakas, natapos nadin ang aking kalbaryo.
makakapag-enroll nako.

sa lahat ng tumulong, nagbigay suporta at encouragement,
maraming maraming salamat sa inyo. (alam nyo kung sino kayo) :D
hindi ko marahil ito kinaya kung wala kayo.

ayaw ko nang umulit. i've learned my lesson well.
:D

Time

Balik na nga ba sa dati ang lahat?

Matapos ang lahat ng nangyare, ganun nalang ba iyon kadali?

siguro nga.

Maybe time is a natural healer after all.

o baka tanga nako ngayon.

Thursday, June 5, 2008

Reunion

SVS Batch '06
FAITH
HOPE
LOVE

ang pinaka malupet na batch ng vincent! (syempre bias ako) hahaha.

we had a reunion last June 4, 2008 held at Sencillo, Esquinita.
isang gabing puno ng tawanan. kwentuhan. chikahan. picturan. inuman. lokohan at kasiyahan.
masayang makita muli ang mga kaklaseng nakasama ko noon sa paaralan.

nakakatuwang makita ang mga pagbabago sa kanila.
may lumaki ang katawan at nagka-muscle.
meron namang dati'y tahimik eh ngayon dinadaig na ang mala-megaphone kong boses. haha.
meron ding mga nag-mature hindi lamang sa panlabas na kaanyuan ngunit kundi sa kanilang pag-uugali.
nanjan ang mga naggagandahang kababaihan at naggagwapuhang mga kalalakihan.
mga dating good boy/girl na ngayo'y natuto na ng iba't ibang bisyo sa mundo.
ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito ay hindi padin nawawala ang magandang samahan na nabuo namen noong nasa highschool palang kame.

masayang magbalik tanaw sa mga pangyayare sa buhay namen.
binalikan ang mga kalokohan. ang mga happenings. at maging ang mga "issue" noon. hahaha.

parang kahapon lang ay kinakanta namen ang St. Vincent Hymn.
kay bilis talaga ng panahon.
ngayo'y mga dalaga't binata na kame. haha.

mag kanya kanya man kame ng landas, isa lang ang natitiyak ko: habambuhay naming dala-dala ang mga alaalang nabuo sa isang paraalan sa West Avenue.

maraming salamat sa lahat ng nagpunta.
at syempre maraming maraming salamat sa mga taong nag-organisa ng reunion na ito. kundi dahil sa inyo hindi ito posible.

esquinita, sgt.esguerra, quezon city.

sencillo bar. owned by ms. bambi fuentes

cheers to our friendship!!

HOTTEST PRESIDENTS: Hope, Love and Faith

Hottest Girl and Hottest Guy of the Night

Hottiks. we missed joella.

on time sila. as usual ako hindi. wahaha.

fairest of them all. :D
the girls are all a lady. :)

vincentian girls. :D

hotness. :D

inuman sessions. just like old days. hehe.

embassy shot kuno. haha.

issue?? wahaha. past is past. :D

mga punong abala. haha.

love it. :D

money matters. :D

grade 6 buddies. haha.

mmmm. mamam! hahaha. yum yum. :D

:D

lalabs and I. :D

vincentian hotties. XD

BATCH 2006!! sa uulitin!! :D
MAHAL KO KAYO. :D

Sunday, June 1, 2008

Realizations

i realized that...

if it's not meant for us, it's not. so stop pushing.
enough is enough.
you can't please everyone.
time is a natural healer.
words hurt more than sticks and stones.
open rebuke is better than silence.
some things are beyond repair.

"take time to realize"
:)

Fare Hikes

According to the news, transport groups are asking for an additional P1 fare hike. iba pa to sa hinihingi nilang P1.50. so that's a total of P2.50 na dagdag pasahe. their goal is to make the basic fare from P7.50 to P10. parehas na nila ang mga fx pag nagkataon. They said that because of the consecutive oil price hikes they have no choice but to ask for an increase in jeepney fares.

ang ganda ng timing, pasukan na ulet. panibagong pasanin nanaman ito ni Juan pag nagkataon.
may mga discount naman for students and senior citizens eh. sana lang accomodating ang mga jeepney drivers. minsan kase sinisingil padin nila ng regular fare yung mga estudyante.

i understand where they're coming from. kelangan din nila yun para naman kumita pa din sila. as long as reasonable naman ang demands nila, why not diba?

kaya lang i've realized na ang taas na talaga ng mga bilihin. pati mga basic commodities nagtaas na. bigas, ulam, pamasahe, gasul, kuryente, lahat na. haha.

baket kaya ganun noh, lahat pataas. (ang dumb ng question eh noh, wahahaha)
hindi ko kase tinapos econ ko eh, ayan tuloy. wahahaha.

it's about time siguro na mauso ang bisikleta dito sa Pilipinas noh? tipid na, environment-friendly pa. haha. watchathink?? :D

Feeler

magkaiba ang nag-aassume sa nagfi-feeling.

may mga feelingero/feelingera na nakakatuwa. yung tipong nakakaaliw kase alam mo namang walang halong kayabangan yung pagfi-feeling nila. gusto lang nilang magpasaya ng kapwa.

at syempre merong mga taong sadyang ang kapal ng mukha. feel na feel nila ang kanilang sarili. umabot na sa puntong liliparin ka na sa kayabangan nila. itong mga taong ganito ang nakakainis. akala mo kung sino ka kung makaasta ka. hoy, magtigil ka noh. wag kang mayabang lalo na kung wala ka namang maipagmamalaki.

maaaring sabihin na confident ka lang sa iyong sarili. magtigil ka, OVER na eh. lagpas-lagpas na sa langit ang confidence mo. hindi na nakakatuwa. nakakagalit na.

matuto tayong lumugar.

Iskul Bukol

narito na ang buwan ng Hunyo.

pasukan nanaman.

sa mga mag-aaral, panibagong taon nanaman sa paaralan. bagong gamit. bagong mga kaklase.
sa mga magulang, panahon nanaman ng pagbabayad ng tuition, mga libro, allowance ng mga bata at kung anu-ano pang gastos.
sa mga guro, panahon nanaman upang gabayan ang mga mag-aaral sa panibagong chapter sa buhay nila. panahon upang ibahagi sa kanila ang kaalaman.

pasukan nanaman.

makikita na muli ang mga kamag-aral na nalimutan sa kahabaan ng bakasyon. mayroon na muling allowance. makakaharap na muli ang mga upuan at lamesang bagong pintura.

ang sarap mag-aral noh?? excited ka pumasok. umpisa kase ng klase. parang ang daming bago.

ngunit dahil sa hirap ng buhay, hindi lahat ng kabataan ay nakakapag-aral. ang iba ay napipilitang magtrabaho sa murang edad upang makatulong sa kanilang mga magulang. nakakalungkot isipin na sa halip na lapis/ballpen at libro ang hawak ay naroon sila sa kalye at nagtatrabaho.

ang saklap ng buhay.

pero hindi ko sinasabi na ang lahat ng kaso ay ganito. meron din jan na kahit anong gawing pilit ng mga magulang na pag-aralin ay ayaw nila. halos magkanda kuba na mapag-aral lang ang mga anak.

iba-iba ang sitwasyon.

bigla akong may napagtanto.
maswerte ako at napag-aaral kame ng aming mga magulang. may maayos na buhay. binibigay lahat ng pangangailangan namen matapos lang namen ang aming pag-aaral.

ngunit anong ginagawa ko. sa halip na mag-aral ng mabuti ay tinatamad ako. nakakalungkot. baket ako ganito??
tiyak masasaktan sila pag nalaman nila ang totoong estado ng pag-aaral ko.

nakakahiya ako. sinasayang ko ang pinagpapaguran ng aking mga magulang.

pero kahit na ganito alam kong hindi pa huli ang lahat. may pag-asa pa para itama ang mga mali. may pagkakataon pa para makahabol.

it took me two years in college to realize this. anu ba yan. kahiya. haha. pero willing akong magbago.

kelangan baguhin na ang aking study habits. kelangan pang mas ipokus ang aking sarili sa pag-aaral.

naniniwala akong kaya ko to. kakayanin. kung gusto kong grumadweyt on time eh talagang kelangan magsikap. kinukundisyon ko na ang sarili ko ngayon palang.

masarap mag-aral.

o pano, kita kits nalang sa unang araw ng pasukan. :)

Bitterness

"i laugh at myself, while the tears roll down"

baket ganito?? grr. ayaw kong maging bitter sa mga pangyayare. i accepted the fact that it's not meant to be.
nakakatawa naman. pilit kong sinasabi na ok lang ako. na wala saken yun. na tanggap ko na ang lahat. pero pag mag-isa nalang ako parang hindi naman ganun eh.

people think of me as a strong person. eh kase that's what i let them see. panira lang talaga ang tear glands ko. hahaha. it's the exact opposite. ambabaw ng luha ko, badtrip. hahaha.

so ang drama ko na. anu ba to. damn these songs i'm listenin' to right now. nanisi pa eh noh?? wahahaha.

i just want to let these blasted feelings out. mahirap itago lahat eh. hahaha. para kahit papano, kahit pa unti-unti nailalabas ko. at dadating din ang araw na wala na talaga entirely. no more bitterness, no more hurts. sana lang it will happen SOON!! wahahaha. ayaw ko ng madramang buhay. although i must admit na i'm quite a drama queen. haha. ok, so i'm not making sense. hahaha.

snap out of it kristina!! yan ang sinasabi ko sa sarili ko pag parang nag-eemote emotan nanaman ako. gaya ngayon. hahaha.

pakisampal nga ako ng bonggang bongga! please lang. hahaha.

haayyy!

bitter nga ako. aynako. hahaha. atleast aminado ako.
hindi nga lang halata. kase magaling ako umarte!! haha. joke.

isa lang ang solusyon para dito and i know that.

that is to MOVE ON.

hopefully,

i'm getting there. :)

Saturday, May 31, 2008

Lesson for today

"things are easier said than done"

baket kaya ganun, napakadali sabihin ng lahat ng bagay ngunit ang hirap gawin. ang lakas ng loob sabihin na kayang kaya na pero yun pala pag nanjan na sa harapan mo ang pagkakataon, wala na. tuloy kakainin lang ang lahat ng sinabi.

haayyy.

di bale, matutunan ko din pigilin ang tear glands ko. wahahaha. :)

Friday, May 30, 2008

Lablayp

ang lovelife ko ay parang coke...












ZERO!!

pero kahit na ganito. masaya padin ako. :D

Wednesday, May 28, 2008

Keep moving forward

i watched the disney animation "Meet the Robinsons" once again this morning and i found myself drawn to it.
the story is good and i liked it.
but what really captured my interest is the movie's motto: "keep moving forward".

sometimes we experience failure, that's normal because we're not perfect, but i realized that we can do something about it. instead of dwelling on it why not just let it go and keep moving forward. there's no use crying over spilled milk. let us use that failure for us to learn more. don't give up easily. take it as a challenge to make ourselves a better person. failing in something is not the end of the world. those are just temporary setbacks and nothing else.

if you think that you're a failure and can't do anything right, think again. Thomas Edison failed 1,000 times before getting it right. but did that stop him from inventing the light bulb? no.
lots of people fail. but that's not enough reason to quit. just find another way to make it right. there's always a way. have faith that you can accomplish your goals.

i know it's easier said than done. but i also believe that if we put our hearts in what we do, anything is possible.

"from failure we learn, from success not so much"

experiencing failure???
remember: just let it go and keep moving forward. ;D

Sunday, May 25, 2008

An Act of Kindness

When we experience kindness from someone, we tend to be kind to others. so in a way that person managed to imbibe his/her kindness in us.
therefore i can say that kindness is contagious.

it doesn't hurt to be kind.
it actually feels good if we are kind to others rather than sulky and grumpy.
i don't know about you, but when i'm in a "kind" mood i experience a wonderful day. it's as if the world is a nicer place to live in. i have a happy disposition.
wherein if i'm in a sulky and grumpy mood, it's like i can't do anything right and my day is crappy.
so i really try my best to put on a smile each day and be kind to others.
i'm not saying that i'm perfectly kind. but i try to be.

the world is a cruel place, i know. there are those who will take advantage of you. learn how to react accordingly.
but of course you don't try to correct evil by doing evil too.

if we receive a good deed let's try to pay it forward. you may never know, it may find it's way back to you.
if we do this, maybe the world will be a better place.
it's not a solution but it can be the start.

so when we experience goodness, let's do the world a favor and PASS IT ON. :D


Friday, May 23, 2008

Pangarap

"coz if you don't dream big, what's the use of dreaming?"

hindi masamang mangarap. minsan nga, ito pa ang nagtutulak saten upang magsikap at magpursige sa buhay.
maraming matagumpay na tao ang nagsimula sa "pangarap lang".
kung nanaisin naman naten pwedeng maging realidad ang ating mga pangarap. hindi ito imposible.

kung mangangarap ka nalang naman eh baket mo pa titipirin ang sarili mo???
libre ang mangarap. walang batas na nagbabawal dito.
sarili mo lang ang kayang pumigil sayo.

simulan mo na ang mangarap kaibigan, malay mo...

IKAW NA ANG SUSUNOD NA BIG WINNER! hahaha. (joke time pala eh noh) hahaha.

pero seryoso, masarap mangarap.

sabi nga sa telebisyon:
REACH OUT, AIM HIGH and DREAM BIG! :D


Sucking up.

there's a fine line between complimenting/agreeing and sucking up.

Let us know the difference.


Out of Place

"No one can make you feel inferior without your consent."

simple lang naman diba?? if someone permits him/her self to feel out of place then obviously that's going to happen. it's their fault and no one else is to blame.
hindi sa lahat ng pagkakataon eh tayo lang ang kakausapin ng mga tao.
we sometimes have to make the first move.
make our presence known.

talk. communicate.
that's what society is for, interaction.
it's a two-way process.

CHOOSE not to alienate yourself.

transferring blame is not the answer. it'll only make the situation worse.

so, nao-OP ka ba??
remember: it's a CHOICE.



Thursday, May 22, 2008

I got COOK-ed :D

Korek ang iyong nababasa. isa na rin ako sa mga dumadaming fans ni David Cook ng American Idol 7.

Sino ba naman kase ang hindi maiinlab sa kanyang papalicious na boses. (pati na ichura) hahaha.

wish lang namen hindi lumaki ang ulo mo sa kasikatan. haha.
galing-galing. GO3!!! :D


Letting go

isang mensahe na galing sa isang malapit na kaibigan:

"people get tired. it's not always that they hold on."
- ironman

a line i can relate to. sometimes it's okay to let go and move on.
minsan mas nakakabuti sa isang tao na bumitaw sa isang bagay lalo na kung hindi na ito nakakabuti sakanya.
hindi ito weakness. at lalong hindi ito senyales ng pagsuko.

panahon na siguro para sumubok ng bago.

"pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito, wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo"

ang lahat ng bagay ay may katapusan.



Kikay daw

sabi ng iba kikay daw ako.
sabi ng iba makulit daw ako.
sabi ng iba maarte daw ako.
sabi ng iba maingay daw ako.
sabi ng iba tamad daw ako.
sabi ng iba pasaway daw ako.
sabi ng iba magulo daw ako.
sabi ng iba liberal daw ako.
sabi ng iba taklesa daw ako.

ewan ko. kung oo naman, eh ano ngayon??

as long as wala akong taong naaapakan at nasasaktan dito sa mundo, wala akong pakelam.

isipin nila ang gusto nila isipin.
sabihin nila ang gusto nila isipin.

AKO AY AKO.

Banyuhay!

bagong anyo ng buhay. metamorphosis

masarap sa pakiramdam ang pagbabago. magandang pagbabago.
bagong buhay. bagong pag-asa.
panahon para gumawa ng bagong hinaharap.

hindi huli ang lahat para sa pagbabago.

maraming salamat sa mga kaibigang lagi nanjan at handang tumulong.

salamat sa mga taong nag-inspire saken mag blog. Mabuhay kayo!!

alam ko madami pa akong pagdadaanan sa buhay. pero handa akong sumabak sa kahit ano dahil alam kong may mga kaibigan akong maaasahan kailanman.
tuloy ang hamon ng kapalaran.
PADAYON!!