narito na ang buwan ng Hunyo.
pasukan nanaman.
sa mga mag-aaral, panibagong taon nanaman sa paaralan. bagong gamit. bagong mga kaklase.
sa mga magulang, panahon nanaman ng pagbabayad ng tuition, mga libro, allowance ng mga bata at kung anu-ano pang gastos.
sa mga guro, panahon nanaman upang gabayan ang mga mag-aaral sa panibagong chapter sa buhay nila. panahon upang ibahagi sa kanila ang kaalaman.
pasukan nanaman.
makikita na muli ang mga kamag-aral na nalimutan sa kahabaan ng bakasyon. mayroon na muling allowance. makakaharap na muli ang mga upuan at lamesang bagong pintura.
ang sarap mag-aral noh?? excited ka pumasok. umpisa kase ng klase. parang ang daming bago.
ngunit dahil sa hirap ng buhay, hindi lahat ng kabataan ay nakakapag-aral. ang iba ay napipilitang magtrabaho sa murang edad upang makatulong sa kanilang mga magulang. nakakalungkot isipin na sa halip na lapis/ballpen at libro ang hawak ay naroon sila sa kalye at nagtatrabaho.
ang saklap ng buhay.
pero hindi ko sinasabi na ang lahat ng kaso ay ganito. meron din jan na kahit anong gawing pilit ng mga magulang na pag-aralin ay ayaw nila. halos magkanda kuba na mapag-aral lang ang mga anak.
iba-iba ang sitwasyon.
bigla akong may napagtanto.
maswerte ako at napag-aaral kame ng aming mga magulang. may maayos na buhay. binibigay lahat ng pangangailangan namen matapos lang namen ang aming pag-aaral.
ngunit anong ginagawa ko. sa halip na mag-aral ng mabuti ay tinatamad ako. nakakalungkot. baket ako ganito??
tiyak masasaktan sila pag nalaman nila ang totoong estado ng pag-aaral ko.
nakakahiya ako. sinasayang ko ang pinagpapaguran ng aking mga magulang.
pero kahit na ganito alam kong hindi pa huli ang lahat. may pag-asa pa para itama ang mga mali. may pagkakataon pa para makahabol.
it took me two years in college to realize this. anu ba yan. kahiya. haha. pero willing akong magbago.
kelangan baguhin na ang aking study habits. kelangan pang mas ipokus ang aking sarili sa pag-aaral.
naniniwala akong kaya ko to. kakayanin. kung gusto kong grumadweyt on time eh talagang kelangan magsikap. kinukundisyon ko na ang sarili ko ngayon palang.
masarap mag-aral.
o pano, kita kits nalang sa unang araw ng pasukan. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
TAKITS!
Post a Comment