Hindi lingid sa ating kaalaman ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Ang epekto nito: DAGDAG PASAHE
Ramdam na natin ito, lalung-lalo sa mga nagcocommute.
Hindi naman masamang magtaas ng pasahe eh, pero manong drayber wag ka namang abusado.
Merong mga pampublikong sasakyan, particularly mga fx, na hindi pa naaaprubahan ang fare hike ay eto't tahasan ang paniningil ng dagdag pasahe. Sila pa ang magagalit kapag nagreklamo ang mga pasahero.
Ang mga taxi naman sobra kung humingi ng dagdag sa metro. Kung tutuusin hindi nga sila dapat humihingi ng dagdag eh kase hindi pa aprubado ang hinihingi nilang additional P10 sa metro.
Mamang Drayber, hindi lang po kayo ang apektado sa mga pagtaas na ito. Maging kami din po. Pare-parehas lang po tayong naaapektuhan sa mga pagtaas na nagaganap.
Kaya sana ay maintindihan nyo din kame.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
I agree! All of us are facing decadent conditions. There's no valid reason for them to do that.
tapos ang nakakainis pa paiba-iba yung sinisingil nila. merong nagtaas na tapos meron ding yung original rate pa din. so that means hindi pa talaga final yung fare hike sa mga fx. mapagsamantala lang siguro ang iba.
sumakay ako ng jeep kanina. sabi ko pa naman estudyante. sinukli lang sa sampu ko ay dalawang-piso. magkano na ba? haha.
I agree with you, Tin.
Chaz, I suppose the driver didn't hear that you're a student. Haha. So you should have repeated that you're a student. The minimum fare, AS OF NOW, is P6.50.
isigaw mo kase chaz na studyante ka. hahaha. :D
Katulad nito:
MAMA! BAYAD! ISAAANNGG ESTUDYANTEE POOO!
;O
ganyan!! para malinaw. hahaha. alam mo naman minsan nabibingi ang mga tao. hahaha. :D
I agree, I agree! Hahahaha. Meron ding nagbibingi-bingihan!
yun nga siguro nangyari sa akin!
korek ka talaga jan
yung iba abusado talaga kahit sabihin mong estudyante, regular fare ang kinukuha..
kaya ako bago sumakay, nag.papabarya na
badtrip talaga..
sometimes meron pa yung kunware nakalimutan magbigay ng sukli. kung hindi mo ireremind na hindi pa nabigay hindi nila ibibigay. haayy. grabe.
Post a Comment