No Loading and Unloading
Sandamakmak na jeep ang naghihintay at nagsasakay ng mga pasahero.
Mga fx na nagbaba ng mga tao.
No Jaywalking
Kumpol-kumpol na tao. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tawid.
Stop Light
Isang pribadong sasakyan ang tuluy=tuloy na kumaripas ang takbo.
No Littering
Kabundok na basura at kalat ang makikita.
Ilan lamang iyan sa mga pang araw-araw na eksenang aking nasasaksihan sa daan.
Nakakadismaya.
Kung tutuusin mga simpleng traffic rules at batas lamang ang ilan sa mga iyan, hindi pa masunod.
Hindi ko malaman kung napipilitan lang sila dahil sa mga sirkumstansya o talagang nananadya.
Kawalang ng disiplina. Consistent yata tayo jan.
Sobrang hirap bang sumunod?
Ikakamatay ba natin kung kahit sa isang araw lang ay susundin natin ang lahat ng batas?
Sa pagkakaalam ko ang mga batas na 'yan ay para sa ikakabuti natin. Unless na para design lang ang mga iyan.
Wala naman sigurong masama kung for once ay magiging "good citizens op da Pilipins" tayo at "we will abide by the law".
Pero parang malabo. Mahilig kase tayo sa bawal. Kung anong hindi pwede yun ang ginagawa.
May thrill yata kase pag ginagawa ang bawal.
Pasaway.
Hihintayin ba muna natin na may hindi magandang mangyari bago tayo matuto?
Disiplina, mga kapatid.
Try natin 'to minsan.
Malay mo, umasenso tayo dahil jan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I AGREE.:) Pinipilit ko na ngang baguhin ang mga nakagawian ko at hasain ang sarili sa tunay na disiplina.
maging ako man. na-realize ko na kahit sa ganitong paraan man lang ay makatulong ako sa Pilipinas. haha.
mejo patriotic nako ngayon eh. wahaha. :D
Post a Comment