Thursday, July 31, 2008

Tag-baha

Nung umalis ako sa bahay para pumasok, bagama't maulan, confident ako kase may payong na muli ako. Naisip kong hindi na mauulit yung kamalasan ko nung isang gabi.

Nagkamali ako.

Mas matinding adventure pala ang haharapin ko ngayong araw. Sisiw na sisiw pala yung pinagdaanan ko nung nalimot ko ang payong ko kesa sa hinarap ko kanina.

BAHA.

Sa tatlong taon kong pamamalagi sa UP-Manila, kanina ko lang naranasan ang lupit ng pagbaha sa Maynila.
Oo nga't hindi ko unang beses lumusong sa makati at maduming tubig baha ngunit ito ang unang pagkakataon na ako'y mag-isa. Isa pa mejo mataas yung level ng tubig baha. Kahit saan ako lumingon ako ay napapaligiran ng tubig, maduming tubig.

Nag-umpisa ang lahat nang dahil sa malakas at walang humpay na buhos ng ulan. Akala ko (ako si ms.akala eh) normal rainy day lang ito. Hindi pumasok sa isip ko na magbabaha ng sobra. Mali nanaman ako.

Pauwi na ako nun. Tumawid ako sa may Taft. Na-stranded ako dun sa island sa gitna ng tawiran (yung sa ilalim ng lrt). Sobrang lumakas yung ulan, hindi na kaya ng payong ko kaya naghintay ako. Wrong move. Tumaas yung tubig baha. Ayaw kong lumusong. Wala akong nagawa kundi mag-intay. Dahil sa pagtaas ng tubig baha nabulabog ang mga ipis, oo ipis as in cockroach, sa mga lungga nila. Naglabasan sila. Kadiri. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag hysterical. Ayaw ko ng ipis, lalo na kung lumilipad. Kahit papano may natitira pa pala akong magandang kapalaran, who would have thought. Hindi ako ginambala ng mga ipis. Pero syempre hindi ako nainggit sa babaeng pinili nilang lapitan. Hindi sila nakuntento sa paa niya lang. May isang nangahas na akyatin ang katawan nya, all the way to the neck. O diba, ang bilis mag "da moves" nung ipis. Nabilib ako dun sa babae kase hindi man lang sya sumigaw o nagsasayaw kakapagpag nung damuhong ipis. Ako kase siguro nagwala na pag sakin nangyari yun.
Matapos ang napakahabang panahon, nung mejo humina na ang ulan (pero mataas padin ang baha) nagpasya akong mag sidecar para makatawid at makapunta sa Mercury Drug. Bumili ako ng alcohol at tissue. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero kase magcocommute lang ako pauwi. Aminin makati ang tubig baha. Ayaw ko naman sigurong magkamot at bumaho ang paa ko diba. Pampalubag loob nadin siguro.
Nakabili nako. Panahon nanaman para suungin ang pagsubok na nakalatag sa harap ko. Maging sa mga sidewalk baha. Wala nakong choice. Itinaas ko na ang pantalon ko at pikit-matang sinuong ang tubig baha.
Nakarating ako hanggang sa may Watson's (alam ko pamilyar na kayo sa taft). Ngunit kinailangan ko nanaman tumigil (and i'm thankful at tumigil ako, you'll see later). Mas mataas ang tubig dito (may mas itataas pa pala ang baha, aynako talaga). Hindi ko na alam gagawin ko. I had an internal battle, lulusong ba ako o magpepedicab ulet o sasakay nako ng fx pag may nakita ako. Natulala nalang ako. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari.
At sa mga panahong iyon may biglang tumawag ng pangalan ko.
"Marcia"
Si Apol.
Biglang nag-iba ang outlook ko. Sa wakas hindi nako mag-isa. Kaya ko na muling harapin ang baha. Naghihintay lang pala ako ng kadamay. Haha.
Nilusong namin dalawa yung baha. Go3 na ito. Nakakita kami ng fx, Cubao. Sakto. Nakasakay din ako sa wakas. Maraming Salamat Apol, you're a lifesaver. Kundi dahil sayo tuluyan na siguro akong naging catatonic dun at hindi nako naka-alis. Haha.

Masikip sa nasakyan kong fx. Sa gitna kase ako naupo. Wala pa nga yata sa kalahati ng pwet ko ang nakaupo. Pero hindi ko na ininda iyon, ang mahalaga nakasakay nako.
Heavy traffic.
Hindi nako nagulat. Baha kase, malamang yun. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagmasid sa mga tao sa labas.
Mejo maulan pa din ngunit hindi na masyado malakas. Uwian na ng mga mag-aaral. Walang payong ang karamihan pero hindi naging hadlang iyon sa pagbagtas nila ng daan nila pauwi. Tangan ang mga gamit nila at maging ang mga sapatos nila, naglakad sila patungo sa landas ng kanilang mga bahay. Ngunit kahit nakadikit na sa balat nila ang kanilang mga damit, basa ang mga gamit sa eskwela, ang iba ang mga sapatos na pinaka-iingatan ay lubog sa tubig baha, ay masaya padin sila. Kitang-kita na nag-eenjoy sila bagama't lubog na ang Maynila sa tubig baha. Tawanan padin ng tawanan. Tuloy padin ang biruan. Naisip ko, siguro kasi kasama nila ang kanilang barkada. O pwede din namang walang magagawa kung magmumukmok sila sa mga pangyayari, kaya itawa nalang diba.
Hindi ko mapigilang mapangiti kasabay nila.

Akala ko hanggang sa Taft lang ang baha na ito. Mali nanaman ang akala ko. Maging sa City Hall, sa Lawton, Morayta, sa UST at sa iba't ibang bahagi ng Espanya ay baha. Lubog na ang Maynila sa tubig baha. Ang mga tao daig pa ang tumatawid sa obstacle course maiwasan lang ang baha. Masuwerte ang mga mag-aaral na may baong tsinelas. Ang mga wala, ayaw kong isipin kung anung kinahinatnan ng mga paa nila pagkauwi nila. Haha.

After 2 hours siguro (i lost track na eh), nakauwi nadin ako. Ang una kong ginawa, malamang ang maghugas at i-disinfect ang paa ko. Makati kasi talaga ang tubig baha. Hindi kinaya ng alcohol. Haha.

Nahiga ako.
Nag instant replay ang mga pangyayari sa utak ko. Ang lakas ko talaga kay "Kapalaran", gustung-gusto nya akong pag-tripan. Siguro may balat ako sa pwet. Imbisibol nga lang siguro kaya hindi ko makita. Haha.
Habang naka playback ang mga events nung hapon na iyon sa likod ng mga talukap ng mata ko, napaisip ako.
Pinagsisihan ko ba ang pag-alis ng bahay namin kanina?
Hindi siguro. Oo, hindi nga. O diba, ang linaw nang sinabi ko na iyon. Haha.
Hindi ko babawiin ang mga naganap ngayon.
Bagama't delubyo ang adventure ko, hindi ko padin ito malilimutan. (malamang) haha.
Hindi siguro kumpleto ang college life ko kung hindi ko 'to naranasan.

Anu naman kaya ang naghihintay sakin bukas? Parang ayaw kong ma-imagine. Hahaha.

Mahimbing siguro ang magiging tulog ko ngayong gabi. Hindi lamang dahil sa pagod, kundi dahil deep down inside alam kong nadagdagan nanaman ang aking 'di malilimutang mga karanasan.

Sa hinaharap, pag babalikan ko ang mga pangyayaring ito alam kong magbibigay saya sakin ito.
Masaya kong tatawanan ang lahat ng ito.

July 31, 2008: Araw ng paglubog.

Literal na paglubog. :D

8 comments:

tintastic said...

pasensya na sa isang napaka habang post. masyado akong naaliw sa pagkwento ng aking (mis)adventures. hahaha.

Ienne said...

Hahaha. Akalain mong si Apple pa ang makikita mo sa baha!

tintastic said...

hahaha. oo nga eh.

nano said...

Siguro isa si apple sa mga ipis mula sa lungga nila!haha...

hay..kulang kasi tayo sa proper at long-term planning eh. Kapag may sipon eh tissue ang hahanapin at magtitiiis na lang sa tissue kesa humanap at uminom ng gamot para dito. Sa government natin, ayun!puro projects na pangtemporary lang naman ang sakop. Tapal dito, tapal dun! puro aids lang, hindi ba gumawa ng direct at functional na paraan para sa mga problema ng ating lipunan...kung sakali sana eh hindi ka pa nalubog sa baha!haha..

Sayang, wala kaming mga kaibigan mo nung paglubog mo!haha...atleast dumating si apple!haha..

sige, nawiwili na talaga ako sa kakacomment!okay lang na mahaba, sulit naman!

tintastic said...

hala ka. apple oh! hahaha. joke. :D

siguro nga. pero sana wag na nila intayin na lumala pa noh (kung may ilalala pa). gawan na nila ng paraan yan. pero knowing the government, asa! hahaha. partly to blame din tayo. ang kalat kase natin eh. wala pang disiplina. barado tuloy ang mga canal. haha.

ok lang yun. malakas ang pakiramdam kong may next time pa. hahaha. :D

sige lang, comment lang ng comment. sulitin ang freedom of expression. wahahaha. :D

P O R S C H E said...

Sang-ayon ako. Sulitin ang freedom of expression, of speech and of the press.. pati of assembly.. haha.:D

Ang saya ng experience mo sa baha. Hehehe.

tintastic said...

masaya nga, one of a kind. hahaha. desidido yata ang maynila na iparanas sakin ang lahat ng pwedeng maranasan eh. hahaha. wag naman sana. haha. :D

nano said...

MALAMANG MAY NEXT TIME PA TALAGA!
haha..tama! It's not just about the government, it's also about everyone of us.