Wednesday, July 30, 2008

You're Out

Habang ako ay nagsusulat ng aking blog at notes (multitasking. gawain ko ito kapag bored ako sa isang subject) sa isa kong klase, biglang tinawag ng guro ang atensyon ng dalawa kong kaklase. Tinanong niya ang mga apelyido nila. Akala ko, as usual, recitation nanaman. Nagkamali ako. Kinuha ang mga pangalan nila at walang kung anu-ano ay pinalabas niya ang mga nasabing mag-aaral.
Nagtaka ako. Bakit??

Nabalitaan ko na ang tendency ng guro na ito na magpalabas ng mga estudyante. Lalo na kung maingay at nagtatawanan ang mga ito. May nakapagkwento na sa akin nun.

Pers taym kong masaksihan ito sa aming klase. Marahil dahil ay kakaunti lang kami kaya hindi ito madalas na mangyari. At akala ko hindi na mangyayari. Wrong nanaman aketch.

Kanina ay naganap ang akala ko'y hindi na mangyayari.

Sa aking opinyon hindi ito makatarungan. Lalo na sa pagkakataong ito.
Sa pagkakaalam ko wala silang ginagawang mali. Hindi ko nga sila nakitang nagdaldalan eh. Kaya laking gulat ko na lamang ng makita kong pinapalabas na sila.
Unfair.
Malay ba nung prof kung tungkol saan yung pinag-usapan nila (kung nag-usap man sila). Pwede namang tungkol sa subject yun at may tinanong lang si Student A kay Student B. Ni hindi nga nakaistorbo sa klase yung dalawa eh.
Kung nakakagambala sa class discussion ang ingay ng mga mag-aaral, sige palabasin nya. Fine. Ganun yung patakaran nya eh.
Pero hindi sa pagkakataong ito.
Wala akong nakitang rason para gawin nya 'yon.
Grabe naman. Ang lagay bawal na magsalita ever.
Parang one wrong move and you're out!

Aynako.

Ikaw, ano sa tingin mo?

5 comments:

LAMBDA ALPHA RHO ALPHA said...

hehe, nagtaka rin ako, lalo na si yaj..

hehe

nano said...

TANDAAN: Nasa UP tayo, bagaman may "academic freedom" tayo,may "academic freedom" din ang mga dalubguro natin. At tandaan din, tulad ng iba pang guni-guning konsepto sa pamantasan, napakavague ng scope at limitations ng "academic freedom" na yan..haha!

Oo nga, nagulat din ako nung nagpalabas sya ng mga estudyante sa klase namin!muntik na ko dun eh, ako kasi yung nasa likod nung tatlong mga napalabas, akala ko isa ako sa mga tinuro nya! At saka, kung sakasakali mang magpapalabas sya sa klase kung saan eh estudyante ka, dapat ikaw ang pinakauna na lalabas!hay naku, unfair talaga sya!haha..

P O R S C H E said...

This is unfair for our part and of course,(will be shown fair for the professors.)

tintastic said...

apol: eh kase naman wala naman talaga kayong ginagawang mali. sa tingin ko. haha. obviously iba pananaw nya. aynako. haha.

nano: korek. kanya-kanyang definition ng "academic freedom". maging ako kinabahan eh, akala ko mapapalabas nadin ako. knowing me and my big mouth hindi siguro nakakapagtaka kung mangyayari yun in the near future. hahaha. :D

yfur: ika nga "the world is unfair". kelan kaya magiging fair sa part naten?? hahaha. :D

nano said...

haha..when would that be?subukan nating palitan sila(professors as for academic freedom) sa kung saan man sila (or yung mga taong nagdodominate ng system sa ating society, those with power and those who are so greed for power/s)naroroon ngayon, baka yun na yung time na maging fair na para sa interests natin ang lahat(yun eh kung hindi natin iisipin ang fairness in consideration with other members ng lipunan natin)..

Kung sa bagay, unfair din sa mga professors natin or sa iba pang may authority. UNFAIR kasi di fair--more recessive tayo kesa sa kanila. haha, unfair di ba? we both have rights, yun nga lang..they are invoking their "rights" so much to the extent na nawawala na line between right/s and the others.

haha, parang mas napapasarap akong magcomment na kesa gumawa ng sarili kong entry.haha.